Pansamantalang mawawalan ng trabaho ang nasa mahigit 1.2 milyong manggagawa dahil sa nararanasang krisis bunsod ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine ay maaaring magresulta ng kawalan ng kabuoang halaga na 0 o -1 percent ng mga nagtatrabaho sa bansa.
Aniya, inaasahan niya na ang magiging budget deficit ay lalawak ng mahigit 5.3 percent mula sa dating 3.2 percent.
Sa kabila ng kinakaharap na krisis sa bansa ay sisiguraduhin ni Dominguez na maililigtas sa gutom ang bawat pilipino.
Sinabi rin ni Dominguez na ang magiging utang sa GDP ay tataas simula 41 hanggang 47 porsiyento pero masyado pa rin itong mababa kung ikukumpara sa iba pang mga kalapit na bansa.
Sa ngayon ay nasa mahigit 3,870 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa kabilang na ang 182 fatalities kung saan 96 na dito ang naka-recover.