Naipaabot na ng pamahalaan ang social pension sa 1.7 million indigent senior citizens ngayong taon.
Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nasa 1,717,584 indigent senior citizens ang nakatanggap ng kanilang social pension para sa unang bahagi ng 2020 at ang kanilang hindi naibigay na pensyon noong 2019, na may kabuuang halaga na nasa ₱5.15 billion.
Sa ilalim ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010, minamandato ang pagbibigay ng ₱500 buwanang pensyon sa mga senior citizens para mapunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Facebook Comments