Bunsod nang pananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng National Capital Region (NCR) Plus areas hanggang katapusan ng Abril, nasa 1 milyon mga Pilipino pa ang walang hanapbuhay sa ngayon.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na base ito sa kanilang nakalap na datos.
Noong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kasi ang NCR Plus bubble ay umaabot sa 1.5-M ang displaced workers pero dahil nagluwag ng kahit kaunti kung kaya’t nakabalik na ang nasa 500,000 manggagawa.
Paliwanag nito nang dahil din sa 2 linggong ECQ nawala ang ₱1.8B sa ating ekonomiya bunsod nang pagsasara ng maraming negosyo.
Kasunod nito umaasa si Lopez na bababa na ang kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila at magkakaroon na ng sapat na health care utilization upang muli tayong maisailalim sa General Community Quarantine (GCQ) nang sa ganon ay makapaghanapbuhay na ang ilan nating mga kababayan.