Aabot sa 10 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes ang narekober ng militar sa kanilang ikinasang maritime interdiction operation ng Naval Task Group Sulu.
Ayon kay 1Lt. Jerrica Angela Manongdo, Tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, isinagawa ang operasyon matapos na mapansin ang pabalik-balik na mga motor bancas sa southern part ng Lagasan, Maimbung.
Sa operasyon naharang ang isang M/V Ana na may sakay na 200 kahon ng undocumented cigarettes na may brand names na Berlin (kulay pula) at Forth (kulay green at pula) na may estimated value na ₱10M.
Naaresto rin ang 9 na crew ng vessel na mga Pilipino.
Sa pag-iimbestiga natukoy na ang may-ari ng vessel ay isang Logo Tayung Manday na residente ng Balabac, Palawan na nakapangasawa ng taga-lalawigan ng Sulu.
Sa ngayon nasa Zamboanga City na ang mga naaresto at mga smuggled goods para sa pagsasampa ng kaso.