Nasa 100 guests ng “Gubat sa Ciudad” Resort, naisalang na sa swab test

Natawagan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nasa 108 guests o mga nag-swimming sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan na dinagsa ng napakaraming tao kamakailan sa kabila ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status sa NCR Plus areas.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na sa nabanggit na bilang 72 pa lamang ang naisasalang sa swab test kung saan hinihintay pa nila ang resulta nito.

Ayon pa kay Malaya, majority ng mga nag-swimming sa naturang resort ay hindi na nila makontak.


Base kasi sa log book ng resort nasa 496 ang naging guests nila noong araw na iyon.

Kasunod nito, umapela ang pamahalaan sa mga guests sa Gubat sa Ciudad na makipag-ugnayan sa kanilang mga local government unit (LGU) dahil ito ay para sa kanilang kapakanan.

Ani Malaya, 180 sa mga ito ay pawang mga taga Caloocan, 11 ang taga Bulacan, tatlo mula sa Malabon, lima sa Maynila, 26 ang taga Quezon City at pito ang mula sa Valenzuela.

Facebook Comments