Matapos ang mahigpit na pagbabantay sa nakalipas na National at Local Elections, tutukan naman ng Philippine National Police ang pagbabalik eskwela ng 29 Milyong Estudyante sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, magdedeploy sila ng 120,000 pulis sa mga eskwelahan upang matiyak na magiging payapa ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Nagpalabas na rin si PNP Chief ng Operational Guidelines para sa Ligtas Balik Eskwela 2019 na nakasaad ang paguutos sa mga Police Regional Offices ag National Support Units na magsagawa ng mga partikular na hakbang para matiyak ang kahandaan ng kanilang hanay sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan bilang suporta sa DEPED at CHED.
Partikular na pinapagawa ni PNP Chief sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng pagpapatrolya sa paligid ng mga eskwelahan upang maiwasan ang pambibiktima ng mga drug traffickers, muggers at streest gangs na maaring humalo sa mga estudyante.
Patuloy rin pinababantayan ni Albayalde ang mga pantalan, paliparan at land transports terminals dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga estudyante manggaling sa probinsya mula sa summer vacation.