Nasa 120 distressed overseas filipino na biktima ng human trafficking, ligtas na nakabalik ng bansa —IACAT

Matagumpay na nailigtas ang 120 na Overseas Filipinos (OFs) na posibleng biktima ng human trafficking at iba pang kaugnay na krimen sa ibayong dagat.

Sa pamamagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), katuwang na mga ahensya, napauwi ang naturang mga Pinoy.

Ayon sa mga awtoridad, 77 na indibidwal ang nailigtas mula Laos, 37 mula Myanmar, kabilang ang isang Pilipinong nakatakas, at 5 mula Cambodia.

Kabilang sa mga kaso ang isang babaeng pinilit ng kanyang amo na ipalaglag ang dinadala upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho, at isang babaeng ginahasa umano ng kanyang Chinese team leader.

Karamihan sa mga biktima ay naengganyo sa mga pekeng online job offers, partikular sa mga kumpanyang sangkot sa scamming at cyber-fraud industry. Sa halip na makakuha ng mataas na sahod, napilitang magtrabaho ang mga OFs sa ilalim ng mapang-abusong kalagayan.

Samantala, nagpapatuloy ang repatriation efforts ng gobyerno. Inaasahan ang pagdating ng mga distressed OFs sa bansa sa mga susunod na araw:

Tiniyak ng pamahalaan na ang lahat ng nailigtas ay agad na mabibigyan ng suporta at reintegration assistance mula sa IACAT at iba pang miyembrong ahensya.

Hinimok din ng IACAT ang mga ahensya ng pamahalaan na mas paigtingin ang pagbabahagi ng impormasyon at serbisyo laban sa human trafficking upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments