Aabot sa 15,000 personnel, kabilang ang force multipliers ang itatalaga sa Metro Manila para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Major General Guillermo Eleazar – mula sa nasabing bilang 9,000 tauhan ang ipapakalat sa Quezon City, kung saan ibibigay ng Pangulo ang kanyang report sa taumbayan.
Makikipagpulong din aniya sila sa mga grupo na kadalasang nagkakasa ng protesta tuwing SONA.
Sa ngayon, wala pa silang natatanggap na anumang banta sa nalalapit na SONA.
Facebook Comments