Nasa 158M doses ng bakuna, inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na buwan

Bunsod nang mga naselyuhang supply agreement ng pamahalaan at ng iba’t ibang vaccine makers, inaasahang nasa higit 150M doses pa ng mga bakuna kontra COVID-19 ang darating sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nasa 18.5M doses pa ng Sinovac vaccines ang darating, nasa halos 10M dose ng Sputnik V, 20M doses mula Moderna, 17M AstraZeneca vaccines at 40M mula sa Pfizer.

Maliban dito, nangako rin aniya ang Covax Facility na mag-de-deliver sa bansa ng 44M doses ng mga bakuna.


Sa kabuuan, 158M doses ng mga bakuna pa ang inaasahang darating sa bansa.

Sa ngayon, nasa 12,705,870 doses na mga bakuna na ang dumating.

7.5M doses dito ay Sinovac, 2.5M doses ang AstraZeneca, 180,000 doses Sputnik V at 2.4M ang Pfizer.

Facebook Comments