Nasa 159 na volcanic earthquake, naitala ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24-oras sa Bulkang Bulusan

Umabot sa 159 na volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na 24-oras sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Kung saan nasa 96 na tonelada ng asupre ang nai-record at umbaot sa 100 metro ang taas ng pagsingaw.

Ayon sa ahensya, nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan kaya’t mahigpit paring ipinagbabawal sa pagpasok sa 4 kilometer permanent danger zone at sa 2-kilometer extended danger zone sa timog-silangan ng Bulkan.

Samantala, nanatili ang ground deformation o pamamaga ng dalisdis ng Bulkang Bulusan.

Facebook Comments