
Matagumpay na nakauwi na sa bansa ang 18 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at dalawang dependents mula sa Israel.
Ang naturang mga Pinoy ay sakay ng flight EY446 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kagabi, July 29.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang naturang repatriation ay bahagi ng nagpapatuloy na humanitarian mission ng pamahalaan, bilang tugon sa epekto ng Israel-Iran conflict.
Bagama’t humupa na ang tensyon sa naturang mga bansa, marami pa ring Pinoy workers ang nagpahayag ng kagustuhang makauwi sa Pilipinas para sa kanilang kaligtasan.
Samantala, mainit naman silang sinalubong OWWA, sa pangunguna ni Deputy Administrator Ryan Uy, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at ang Manila International Airport Authotiry (MIAA) medical team para mabigyan ang mga ito ng atensyong medical at ilang test.









