Nasa $19.2-M, nais ilaan ng Australia sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas

Binigyang diin ng Australia ang kagustuhan nila na gawing prayoridad ang Pilipinas upang paglaanan ng malaking investment pledges sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu, nakatakda umano silang maglaan ng $19.2M ng investment sa Southeast Asia upang makatulong sa pagpapalago sa naturang rehiyon na bagay na malaking parte nito ay nakuha na ng Pilipinas.

Aniya, sa kabila ng magandang performance ng Pilipinas magiging maganda kung ito ay paglalaanan ng naturang investment dahil hands on din umano ang Pilipinas sa pamumuhunan.


Samantala, postibo naman si Ambassador Yu na malaki ang potensyal ng Pilipinas na maging isa sa may pinakamatatag na ekonomiya sa Southeast Asia.

Facebook Comments