Manila, Philippines – Naglabas ng memorandum circular ang NAPOLCOM para sibakin sa serbisyo ang nasa 200 mga pulis dahil sa umano’y pandaraya ng mga ito sa kanilang entrance exam sa PNP.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao, nadiskubre nila na pare-pareho ang mga mali at tamang sagot ng mga nasabing pulis .
Bukod sa mga ito, sinabi pa ni Casurao na nanganganib ding masibak ang ilan pang pulis na nameke ng mga isinumiteng dokumento nang pumasok sa PNP.
Dagdag pa ni Casurao – ngayong araw ay inaasahang dudulog ang mga pamilyang nilooban ng mga pulis at pormal na magsasampa ng kasong administratibo.
Nanatiling nasa ‘floating’ status ang mga sangkot na pulis habang inihahanda ang mga ihahaing reklamo laban sa kanila.
Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na may problema sa sistema ng pagsasanay sa mga pumapasok sa PNP kaya nagiging tiwali ang ilan sa mga pulis.