Nailipat na patungong Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte ang nasa 200 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ang mga PDL ay sinamahan ng corrections officers, SWAT team at escort personnel mula sa iba’t ibang opisina ng NBP.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang mga inilipat na PDL ay magpapalakas ng manpower na kailangan ng LRP para mapalawak ang Green Revolution program nito.
Aniya, ang tulong ng mga PDL sa komunidad ay para makapagtanim ng palay at gulay na magiging suporta sa food security ng bansa.
Sa ngayon, nagsasagawa ng mga proyekto ang BuCor katuwang ang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Economic Zone Authority upang magamit nang mabuti ang mga idle lands ng BuCor at payagan ang mga PDL nito bilang institutional workers sa negosyong pang-agrikultura.