Nasa 25-K retailers sa NCR na apektado ng price cap, maaaring makatanggap ng P15-K mula sa gobyerno – DTI

Maaaring makatanggap ang humigit-kumulang 25,000 retailers sa Metro Manila ng tulong mula sa gobyerno sa gitna ng pagpapatupad ng rice price ceilings.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero na bukod sa market monitoring, binabantayan din ng DTI kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglulunsad ng tulong pinansyal para sa mga retailer na maaapektuhan ng limitasyon sa presyo sa regular at well-milled na bigas.

Ibig sabihin umano ay magkakaroon ng P15,000 ang bawat retailer, at susubukang ibigay ito sa lahat ng lehitimong nagbebenta na naapektuhan ng rice price cap.


Una nang sinabi ng ahensa na target ng mga ng gobyerno na simulan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa loob ng linggong ito.

Samantala, aminado rin si Uvero na kakaiba ang pagtaas ng presyo ng bigas ngayong season kumpara sa mga nakaraang taon kaya kinailangan na magkaroon ng price cap.

Facebook Comments