Nasa 25 na barangay sa Pampanga, lubog pa rin sa baha

Pampanga – Aabot sa 25 barangay sa Pampanga ang lubog ngayon sa baha dulot ng pag-ulan na dala ng habagat dahil sa Bagyong Gorio.

Ilang paaralan at mga bahay ang pinasok ng baha partikular na sa mga barangay sa Apalit, Macabebe at Masantol.

Sa pagtaya ng pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot ng isang linggo bago humupa ang baha sa mga apektadong lugar.


Facebook Comments