Nasa 25 na pharmaceutical firms, nakikipagtulungan na rin sa DSWD para sa medical na tulong sa mamamayan

Nakikipagtulungan na ang nasa 25 service providers sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makapagbigay serbisyo medikal sa mga publiko.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, alinsunod sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA), pagkakalooban ng medical services at mga gamot ang mga nangangailangan.

Aniya, ang mga service provider sa mga hospital at pharmaceutical firm ay tinanggap at siniguro ang kanilang layunin na makatulong sa mga mamamayan.


Sa ngayon, mas pinalawak pa ng DSWD ang kasunduan para makatulong at magbigay serbisyo sa mga individual in crisis situatoin sa bansa.

Facebook Comments