Manila, Philippines – Matapos gumaling mula sa pagkakasugat balik bakbakan na muli ang dalawang daan at limampung (250) sundalo laban sa Maute group sa Marawi City.
Ayon kay joint task force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera – sila ang mga nasugatang sundalo sa unang bahagi ng giyera sa Marawi City noong May 23.
Aniya, gusto na ng mga ito na samahan ang kanilang tropa sa paglaban sa mga terorista para matapos na ang giyera sa Marawi.
Samantala, naging emosyonal naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita sa 103rd infantry brigade ng 1st infantry division ng Philippine Army sa Camp Ranao.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – dalawang minutong napatigil at napaluha ang pangulo nang binibigyan ito ng situation update.
Malaking morale booster aniya ang makamayan at makumusta ng personal ng pangulo ang mga sundalo sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi.