Nasa 27 repatriated OFWs mula Sudan, nakabalik na ng Pilipinas

Nakabalik na nang Ligtas sa bansa ang dalawampu’t pitong repatriated Overseas Filipino Workers o (OFWs) mula sa bansang Sudan hinggil sa nangyayaring tensyon sa naturang bansa.

Sakay ng Saudia Airlines flight SV 870, sinalubong sa Ninoy Aquino International Airport Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang 27 Sudan repatriates.

Tulad ng mga naunang umuwi, bukod sa tulong na pagpapauwi sa bansa, nagbahagi ng food, transportation at financial assistance na nagkakahalaga ng P100 thousand mula sa OWWA at DMW.


Nagpasalamat naman ang mga OFWs sa mga ahensiya sa patuloy na pagtulong sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa pinanggalingang bansa.

Facebook Comments