Nakatakdang dumating bukas, January 11, sa Pilipinas ang nasa 29 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ito na ang ika-15 batch ng Pinoy repatriates na napauwi na sa bansa.
Kabilang sa mga uuwi bukas ay ang 28 caregivers at isang hotel worker.
Ang mga OFW ay sakay sa Etihad flight EY424 at inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-3:10 ng hapon.
Sa ngayon nasa 464 na ang bilang ng Pinoy workers na boluntaryong napauwi sa Pilipinas na nagmula sa Israel kasunod pa rin ng Israel-Hamas conflict na nagsimula noong October 7, 2023.
Facebook Comments