Umabot sa 30 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Juan Luna Street, Tondo, Maynila.
Nagsimula ang sunog alas-6:16 kaninang umaga at tuluyang naapula alas-6:58 ng umaga kung saan umabot ito sa ikalawang alarma.
Base sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag na bahay na pagmamay-ari ni Rey Bucacao.
Nabatid na pawang gawa sa light materials ang mga bahay kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.
Dahil sa nangyaring sunog, nasa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang nasa 300,000 libong piso ang halaga ng mga ari-arian ang natupok.
Wala naman naitalang nasaktan o nasawing residente gayundin sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) District ng Maynila.
Facebook Comments