Nasa 300 pasahero, stranded sa ibat-ibang pantalan sa Bicol Region

Bicol, Region – Umabot sa 296 na pasahero, 16 na vessels,46 rolling cargoes at isang motorbanca sa ibat-ibang pantalan sa Bicol Region ang stranded dulot ng bagyong Maring.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Arman Balilo stranded ang 257 pasahero, 32 rolling cargoes at 8 bangka sa Tabaco Port,habang sa Pilar Port sa Sorsogon ay isang motorbanca ang stranded, 10 pasahero naman 5 vessels at 5 rolling cargoes ang stranded din sa Virac Port Catanduanes, isang motorbanca naman sa Codon Port ang stranded,sa San Andres Port naman ay 14 na pasahero, 3 vessels at 9 na rolling cargoes ang stranded sa naturang Catanduanes, habang sa Pasacao Port Camarines Sur 15 pasahero ang nai-stranded dulot pa rin ng sama ng panahon.

Pinayuhan din ng PCG ang mga mangingisda na huwag maglayag habang nakataas pa ang signal number 1 sa naturang mga lugar.


Patuloy pa rin ang monitoring ng PCG sa mga ibat-ibang pantalan sa Bicol Region at karatig lalawigan upang malaman at maalalayan ang mga pasaherong nai-stranded sa naturang lugar.

Facebook Comments