Nasa 300 SAP Beneficiaries sa Cotabato City hindi na kumuha ng Cash Assistance?

Tinatayang nasa 300 mga Social Amelioration Program beneficiaries sa Cotabato City ang di pa nakakakuha ng kanilang Cash Assistance .

Ito ang napag-alaman mula sa naging panayam ng DXMY kay City Social Welfare Officer Cherry Villoria.

Sinasabing nagmumula ito sa ibat- ibang barangay ng syudad, at sinasabing karamihan ay misnabuting hindi na kunin ang pera sa Payout dahil nagdoble sa isang household ang naging beneficiaries na kinabibilangan ng 4Ps at DOLE.


Ilan naman sa mga SAP Beneficiaries ang kusang loob na nagsaule ng 5000 pesos dagdag pa ni Villoria.

Kaugnay nito, naging maayos naman sa pangkalahatan ang naging SAP Payout Distribution sa buong Cotabato City. Matatandaang humigit 21K households ang SAP beneficiaries mula 37 Baranggay ng syudad.

Araw ng lunes ng magtapos ang payout sa Cotabato City. Pinasalamatan naman ni Villoria ang lahat ng sector na naging katuwang nila sa SAP Payout na kinabibilangan ng mga taga LGU, DepED, PNP , AFP at DSWD Region 12.
City Government Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments