Sumailalim sa culling ang aabot sa 300,000 manok sa Santo Tomas, Pampanga dahil sa bird flu.
Ayon kay Santo Tomas Mayor Johnny Sambo, galing ito sa walong poultry farms mula sa Barangay San Bartolome at Poblacion.
Dadalhin naman ang mga kinatay na manok sa Material Recovery Facility upang ibaon sa lupa.
Upang maiwasan ang pagkalat ito ay naglatag na ang LGU ng mga checkpoints para maharang ang mga manok na papasok at lalabas ng Sto. Tomas.
Posibleng abutin pa ng taon bago makabangon ang poultry industry sa naturang lugar.
Facebook Comments