Nasa 400 PNP personnel, nagpositibo sa ilegal na droga

Aabot sa 400 tauhan ng PNP ang nagpositibo sa ilegal na droga mula nang ilunsad ang Anti-Illegal Drugs Campaign.

Sa datos ng PNP Internal Affairs Service mula July 2016 hanggang September 30, 2019, nasa 396 PNP personnel ang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Mula sa nabanggit na bilang, 378 cases ang naresolba na kung saan na-dismiss na sa serbisyo ang mga ito.


Ang limang police personnel na dawit naman ay namatay bago makapaglabas ng resolusyon sa kani-kanilang kaso.

Ang kaso naman ng walong non-uniformed personnel ay ipinadala na sa directorate for Investigation and Detective Management.

Mula nitong Setyembre, aabot sa 4,354 ang nasampahan ng kasong administratibo kung saan 3,772 ang naresolba na.

Facebook Comments