Nasa 400,000 manggagawa sa Metro Manila, naapektuhan ng ECQ

Umabot na sa 400,000 manggagawa sa Metro Manila ang naapektuhan ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Defend Jobs Philippines Spokesperson Christian Lloyd Magsoy, pinakamarami sa mga apektadong manggagawa ay galing sa sektor ng construction, accommodation and food services, information and communications, wholesale and retail, at culture and entertainment.

Hindi rin aniya lahat ng mga apektadong manggagawa ay nakatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.


Batay sa tala ng National Economic and Development Authority, P151.4 bilyon ang mawawala sa kada linggong may ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar tulad ng Laguna, Cagayan de Oro at Bataan.

Sa ngayon, ibinaba na ang Metro Manila, Laguna at Bataan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na matatapos hanggang sa katapusan ng Agosto.

Facebook Comments