Nasa 50 na banyaga na sangkot sa iba’t ibang pinansyal na kaso, ipinatapon na ng BI palabas ng bansa

Ipinatapon na pabalik ng South Korea ang 49 na South Korean na sangkot sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, sangkot ang mga banyaga sa iba’t ibang krimen gaya ng large scale fraud, illegal gambling, scam, at embezzlement ng trilyon-trilyong Korean Won sa South Korea.

Sa report ng BI, lumalabas na nakikipagsabwatan ang ilang deportees sa ilang Pilipino para magsampa ng kaso laban sa kanila para maantala ang deportation proceedings at hindi mapaalis ng bansa dahil mahaharap sila sa kaso pagbalik ng South Korea.

Wala naman umanong na-monitor na Pilipinong biktima pero iniimbestigahan pa ng BI kung lehitimo ang mga kasong isinampa laban sa dalawang deportees.

Facebook Comments