Nasa 53 libong kabahayan, maaapektuhan ng water interruption sa iba’t ibang lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Nasa 53-libong kabahayan angmaaapektuhan ng water interruption sa ilang bahagi ng Pasig, Taguig at Paterosmula alas 8:00 nang gabi ng may 15 hanggang alas 6:00 nang umaga ng May 16.
  Base sa abiso ng Manila Water, ang service interruptionay bunsod ng isasagawang pipe replacement at relocation works sa parian creeksa barangay Kapasigan, Pasig City.
  Kasama ring maaapektuhan ang mga barangay ng San Jose,Sta. Rosa, Sta. Cruz, Sto. Tomas, Bambang, San Joaquin, Kalawaan at Bunting.
  Sa Taguig naman apektado ang barangay Ususan, Tuktukan,Sta. Ana, Ibayo Tipas, Ligid Tipas, Napindan, Palingon, Calzada, Wawa, SanMiguel, Hagonoy, Bambang at ilang bahagi ng New Lower Bicutan.
  Habang sa Pateros, apektado ang lahat ng barangay.
  Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente ng mga nabanggitna lugar na mag-imbak na ng tubig na sasapat para sa mga nasabing petsa.
 

Facebook Comments