Sila ang mga residente na nasa loob ng 7 km permanent danger zone sa paligid ng bulkang Taal. Dahil sa pagaalburuto ng bulkan, di na sila nakabalik pa sa kanilang lugar.
Kinupkop sila sa isang malawak na pabahay sa Brgy. Talaibon. Housing project ito para sana ng mga pulis at sundalo pero ipinaubaya na muna sa mga evacuees.
Kanina, muli nilang naramdaman ang pagmamalasakit sa kanila ng iba’t-ibang grupo. Bitbit ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KPB) Metro Manila Chapter ang mga relief goods katuwang ang Air Education Training and Doctrine Command ng Philippine Airforce.
Batid ni Major General Pelayo Valenzuela ng PAF ang sakripisyo ng mga evacuee. Paalala nya, basta’t laging handa at sama-sama, anumang problema ay kayang-kaya.
Todo effort din si PAF BGen Gerry Zamudio na punong abala sa aktibidad.
Nagpapasalamat din ang PAF kay Manny Luzon, Chairman ng KBP Metro Manila Chapter na syang may bitbit ng relief goods.
Masaya namang ibinalita ng Batangas Provincial Social Welfare and Development na malaki ang posibilidad na ibigay na ng gobyerno sa mga evacuee ang pabahay sa pamamagitan ng deed of donation sa ilalim ng National Housing Authority o NHA.
Pansamantala namang sinagot ng Provincial Government ang kanilang gastos sa kuryente at tubig,
Bagay na lalo pang ikinatuwa ng mga evacuee.