Umaabot sa 6,000 mga pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa kalakhang Maynila kasabay nang isinasagawang transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA simula ngayong araw.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo kasama na sa 6,000 ang Civil Disturbance Management, police visibility, mobile and foot patrol gayundin ang traffic management at checkpoint/border control.
Partikular na tinututukan ng puwersa ng pambansang pulisya ang mga lugar na pinagdarausan ng kilos-protesta tulad ng Novaliches, Caloocan, Parañaque at lungsod ng Maynila.
Sa ngayon, nananatiling mapayapa ang tigil-pasada ng ilang transport groups kung saan wala naman silang namo-monitor na untoward incident.
Kasabay nito, muling tiniyak ng PNP na nakahanda ang kanilang mga tauhan at asset upang umalalay sa mga ma-sstranded na pasahero.