Nasa 600,000 deactivated voters, muling nagparehistro para makaboto sa 2022 national elections

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na halos 600,000 deactivated voters ang muling nagparehistro upang makaboto sa darating na 2022 national elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang mga nasabing bilang ay una nang tinanggal sa listahan dahil sa bigo silang makaboto ng dalawang beses.

Dagdag pa ni Guanzon na ang 600,000 na ito ay una na ring nakabilang sa 7.3 million na deactivated voters.


Kaya’t dahil dito, hinihikayat ng COMELEC ang iba na magparehistro na rin upang magamit nila ang karapatan na bumoto.

Paalala pa ni Guanzon na mas maiging maaga ng magparehistro upang hindi maghabol o kaya ay pumila ng mahaba at matagal kung paabutin pa nila ito sa deadline hanggang September 30, 2021.

Bawat aplikante bago man o kabilang sa deactivated voters ay maaaring ipasa ang kanilang aplikasyon sa Office of Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan nila nais bumoto mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments