Manila, Philippines – Mula kahapon, nasa 80 bus ang idineploy sa EDSA bilang tugon sa mga pasahero ng MRT na apektado ng limitadong operasyon nito.
Ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada – labinlima sa 80 bus ang maaaring sakyan ng libre habang MRT fare rates ang sinisingil sa 65 iba pa.
Kahapon, matatandaang nagsagawa ng safety inspection ang pamunuan ng MRT sa lahat ng mga wheel axle ng mga tren makaraang isa sa mga ito ang naputol.
Dahil dito, binawasan ang bilang ng mga treng bumabiyahe habang pinabagal rin ang takbo ng mga ito.
Humingi na rin ng pasensya at pang-unawa sa publiko si DOTr Usec. Cesar Chavez at aniya, ito’y para rin naman sa kaligtasan ng mga pasahero.
Bukas, inaasahang magbabalik-normal na ang operasyon ng mga tren.
Facebook Comments