Ito ay matapos ang dalawang araw na BJMPRO trade fair na ginanap sa Robinsons Place-Tuguegarao kung saan itinampok ang mga likhang kamay ng mga PDL bilang kanilang livelihood projects sa ilalim ng Regional Welfare and Development Division kaugnay ng ika-31 anibersaryo ng ahensya.
Ang mga pangunahing patok na produkto ay ang bayong bags, bonsai beads, paintings, dishwashing liquid, doormat at mga pamunas, at iba pa.
Nagpasalamat naman si BJMPRO Regional Director JSSupt. Ma.Annie Espinosa sa lahat ng mga sumuporta at tumangkilik sa mga gawa ng mga PDL.
Aniya, malaking tulong ito para sa mga PDL at sa kanilang mga pamilya.
Para naman sa mga naubusan na at gusto pang sumuporta sa mga produkto ng PDL ay maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng BJMP.