
Manila, Philippines – Nasa Pilipinas si Jeane Catherine Napoles, anak ni Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles.
Taliwas ito sa inilabas na ulat ng Dept. of Justice (DOJ) na nakalabas na ng bansa ang anak ng mastermind sa pork barrel scam.
Ito ang paglilinaw na inilabas ng abogadong si Ian Encarnacion.
Ayon kay Encarnacion – nakauwi na ng bansa si Jeane Catherine at siya pa mismo ang nagsundo sa kanya sa naia noong August 3 mula sa kanyang business trip sa Indonesia.
Ani Encarnacion, handang harapin ng kanyang kliyente ang lahat ng kasong kinahaharap nito dito sa Pilipinas maging sa abroad.
Kumpiyansa ang kanilang kampo na mababasura lang ang mga kaso.
Kabilang si Jeane Catherine sa mga kinasuhan ng U.S. Federal Grand Jury ng kasong money laundering dahil sa pagpasok ng $20 million na halaga ng pork barrel.









