Makakatanggap na simula sa susunod na buwan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga nakatatanda.
Ito ay base na rin sa list of priorities ng mga babakunahan kung saan pagkatapos makatanggap ng bakuna ang mga medical health workers ay susunod na ang mga nakatatanda.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, posibleng hanggang 9 na milyong mga nakatatanda ang makakatanggap ng Sinovac vaccines simula sa Abril.
Ito ay sa kabila ng naunang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na ibibigay ang Sinovac sa 18-59 years old healthy individuals.
Paliwanag ni Galvez, ang Sinovac vaccine kasi ay napaka-minimal lamang ng adverse effect na naitatala bukod pa sa ito ang may pinakamaiksing time interval simula nang maiturok ang unang dose o 4 na linggong interval kumpara sa 12 weeks interval ng AstraZeneca vaccines.
Ani Galvez, base sa masterlist na hawak ng NTF ay nasa 4 hanggang 9 na milyon ang kabuuang bilang ng mga senior citizen sa bansa.