NASA HIGIT 30 MSMEs SA UMINGAN, TINIYAK NA SUMUSUNOD SA REGULASYON AT BATAS SA PAGNENEGOSYO

Tiniyak ng Department of Trade Industry (DTI) na sumusunod ang ilan sa Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) sa Umingan sa regulasyon at batas ukol sa nararapat na pagnenegosyo.
Nasa 35 MSMEs ang namonitor ng DTI-Negosyo Center Umingan na tiyak na sumusunod sa Business Name Law o Republic Act No. 3883.
Binigyan kaalaman rin ang mga ito ukol sa nararapat na pagnenegosyo.
Nakahalili ang mga Negosyo Centers sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga capacity-building programs at business development services na nag-aalok ng tulong upang masuportahan ang mga negosyante sa ma makamit ang pag-unlad sa pagnenegosyo.
Patuloy umano ang pagpapalakas pa ng DTI sa mga regularisasyon sa lokal na pagnenegosyo at maging sa kakayahan ng mga negosyante upang lalo umusbong ang mga ito.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments