Nasa higit 30 seafarers, nasagip ng PCG matapos masunog ang kanilang barko sa Catanduanes

Nasa 34 seafarers ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos masunog ang kanilang barko sa baybayin ng Panganiban, Catanduanes.

Ayon sa PCG, kabilang ang 22 Indonesians, 10 Koreans at 2 Filipino ang kanilang naligtas na sakay ng korean fishing vessel na FV No.96 Oyang.

Kwento ng mga tripulante, umalis ang kanilang barko sa Busan South Korea patungong Montevideo, Uruguay para sa isang fishing operation nang napansin ang makapal na usok na nagmumula sa engine room hanggang sa magkaroon ng malaking sunog.


Matapos ideklara ng kapitan ang abandon ship, agad silang nakipag-ugnayan sa PCG upang matulongan ang nasabing mga marino at dinala sa Cebu Port.

Sumailalim naman sa swab testing ang mga nasagip na marino saka sila dinala sa mga quarantine facility bilang bahagi ng health protocols.

Facebook Comments