Nasa higit 300 pasahero, stranded pa rin sa mga pantalan sa Bicol at Southern Tagalog Region

Umaabot sa 354 na pasahero kabilang mga truck driver at mga helper ang stranded pa rin sa ilang mga pantalan.

Partikular sa mga Bicol Region at Southern Tagalog Region dahil sa hindi pa maayos na lagay ng panahon.

Ayon sa Phililippine Coast Guard (PCG), nasa 158 pasahero ang stranded sa pitong pantalan sa Southern Tagalog.


Bukod dito, may 4 na vessels, 14 na rolling cargoes at 5 motorbanca ang stranded.

Nasa 196 naman na pasahero ang stranded sa 8 pantalan sa Bicol Region kabilang ang 8 vessels at 55 rolling cargoes.

Nasa 7 ibang vessels at 13 motorbanca ang nakidaong sa ibang pantalan upang maging ligtas sa masamang lagay ng panahon.

Facebook Comments