Nasa higit 400 na manggagawa sa Abra, nananatiling walang trabaho kasunod ng pagtama ng lindol noong nakaraang linggo

Nananatiling walang trabaho ang nasa 426 na mga manggagawa simula nang tumama ang magnitude 7 na lindol sa Abra noong Hulyo 27.

Ayon kay Depatment of Labor and Employment (DOLE)-CAR Regional Director Nathaniel Lacambra, nananatili pa rin kasing nakasara ang nasa 21 na establisyementong kanilang pinapasukan.

Pero tiniyak naman ni Lacambra na tinutulungan nila ang mga ito sa pamamagitan ng ayuda at TUPAD Program, partikular ang mga mangingisda at mga magsasaka.


Dagdag pa ng opisyal na mayroong 571 na mag-aaral ang binigyan ng trabaho sa pamamagitan ng SPES o ang Special Program for the Employment of Students, kung saan sila ang nagre-repack at nagdi-distribute ng relief goods sa mga benepisyaryo ng TUPAD Program.

Facebook Comments