Nasa isang libong foreign terrorist, nakapasok sa Marawi City

Manila, Philippines – Inamin mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nya rin alam kung paano nakapasok sa Marawi City ang mahigit dalawang daang teroristang banyaga na sa kalaunay napagalaman nyang nasa isang libong foreign terrorist na pala.

Ayon kay Sec Lorenzana, sa ngayon patuloy nilang tinututukan ang problema upang matukoy kung saan dumadaan patungo sa Marawi City ang mga foreign terrorist

Aniya pa posibleng karamihan sa mga foreign terrorist na ito ay galing sa Malaysia, Indonesia mula sa Sulu, Basilan at ilan pang lugar sa Mindanao.


Nilinaw naman ni Lorenzana na ang nasa isang libong mga foreign fighters ay isa isa nang namatay sa nagpapatuloy na gyera sa Marawi City.

Sa huling ulat ni AFP Chief of staff Gen Eduardo Ano nasa sampu nalang ngayon ang banyagang terorista sa lungsod ng Marawi.

Sa ngayon umaasa si Lorenzana na sa pamamagitan ng tulong ng Amerika ay mas mapapaganda nila ang kanilang technical capabilities para mas maging epektibo ang kanilang ginagawang intelligence gathering.

Sinabi pa ng kalihim na kailangang seryosohin ng pamahalan ang pagresolba sa isyu ng pagpasok ng mga foreign terrorist sa bansa upang wala ng lugar sa pilipinas ang matutulad sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments