Nasa isang libong mga dagupeño ang nahandugan ng libreng medical services mula sa medical mission na isinagawa ng isang pribadong unibersidad na UST.
Ang naturang medical mission ay isinagawa ng dalawang araw sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at ng University of Sto. Tomas Medical Missions Incorporated kung saan nabenipisyuhan ang mga residente ng naturang lungsod.
Ang mga matatandang residente na may re-existing na mga kondisyon gaya ng gout at rheumatism ay nakapag avail ng libreng medical checkup at medikasyon, samantalang ang lahat ng iba pang pasyente ay nakapag-avail ng libreng medical consultation sa pakikipagtulungan ng City Health Office.
Ang pagsasagawa naman ito ng naturang unibersidad ay upang makapagpa-abot ng libreng tulong sa medikal na aspeto sa mga kababayang pilipino. |ifmnews
Facebook Comments