NASA KAMAY NA | Pangulong Duterte, hawak na ang pangalan ng mga Foreign expert na mag-aaral sa Dengvaxia

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na inaabangan nalang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang mga magiging miyembro ng 3-man panel na siyang magsasagawa ng pagaaral sa Dengvaxia Vaccene.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naisumite na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pangalan ng mga pangalan ng 4 na posibleng maging miyembro ng 3 Man panel.

Sinabi ni Roque na hindi lang niya maalala ang pangalan ng mga ito pero mayroong mula sa Vietnam, Thailand, Singapore at Sri Lanka.


Pipili aniya ng tatlo ang Pangulo mula sa 4 na banyaga at ang mga ito ay magsasagawa ng pagaaral.

Tiniyan naman ni Roque na mayroong budget ang pamahalan para imbitahan ang mga naturang banyagang eksperto dito sa Pilipinas.

Hindi naman tanggap ni Public Attorneys Office Chairperson Atty. Percida Acosta ang mga isinumiteng esparto ng DOH, Paliwanag ni Acosta, hindi magiging patas ang mga panel of experts dahil ang DOH ang nag rekomenda sa mga ito sa harap naring ng kinakaharap na kaso ng DOH dahil sa Dengvaxia.

Facebook Comments