Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Debelopment Budget Coordination Committee para sa suspension ng pagsingil ng excise tax sa langis sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, pinagaaralan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Economic Team kaugnay sa Excise Tax.
Sinabi ni Panelo na mas magandang hintayin nalang ang pahayag ng pangulo ukol dito at ang pormal na executive issuance na ilalabas ni pangulong Duterte.
Facebook Comments