NASA KAMAY NA | Report ng DOJ sa maanomalyang kontrata ng Nayong Pilipino Foundation, hawak na ng Malacañang

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na natanggap na ng Office of the President ang ginawang pagaaral ng Department of Justice sa sinasabing maanomalyang lease contract na pinasok ng Nayong Pilipino Foundation sa Landing Resorts Philippines Development Corporation.

Ginawa ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ay matapos ilabas ng DOJ ang resulta ng kotrata kung saan lumabas na lugi ang Pamahalaan sa kontrata at tama ang ginawa ng Pangulo na pagsasawalang bisa nito.

Ipinaubaya narin naman ng Malacanang sa Presidential Anti-Corruption Commission ang susunod na hakbang laban sa mga gumawa ng kotrata.


Sinabi din ni Roque na maaari ding magkaroon ng inisyatibo ang Ombudsman sa kaso sa ilalim ng kanilang moto propio policy.

Facebook Comments