Ang suspek na si Ronnel Mas ay unang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Pangasinan.
Nabatid na si Mas ay nagtuturo ng social studies subject sa Zambales.
Nang tanungin ang suspek kung bakit siya nag-post sa twitter ng death threat kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na nais niya lamang na magpasikat.
Aniya, naka-private talaga ang twitter account niya pero pinublic niya ito para magpapansin at makarami ng retweets at likes.
Pero hindi niya raw inakala na maraming babatikos dito, at kinalaunan ay binura naman niya ang tweet pero may mga kumalat na screenshoots.
Iginiit din ni Mas na wala siyang 50 million pesos, na binabanggit niyang reward.
Iyak nang iyak si Mas sa kanyang pagharap sa NBI at kanya na raw pinagsisihan ang kanyang ginawa.
Handa rin daw siyang magtungo sa Malakanyang para personal na humingi ng tawad sa Pangulo.