Nasa likod ng pagpapakalat ng fake news hinggil sa pagtungo umano ni Pangulong Duterte sa Singapore para magpagamot, nais matunton ng Palasyo

Ikokonsulta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagdulog sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para matunton kung sino ang posibleng nasa likod ng pagpapakalat ng fake news laban sa Punong Ehekutibo.

Ito ay may kaugnayan sa sinasabing pagpunta ng Pangulo sa Singapore nitong nagdaang weekend para magpagamot.

Ayon kay Roque, “sensitbo, madaling mataranta at madaling maniwala” ang publiko sa mga ganitong uri ng mali-maling impormasyon.


Kagabi, nagsalita na ang Pangulo at sinabing hindi totoo ang kumakalat na balita na nagtungo siya sa Singapore.

Giit ng Pangulo, hinding-hindi niya gagawin na iwanan ang bansa sa gitna ng kinakaharap nating krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments