Patay ang suspek na nanambang at pumatay sa Ampatuan, Maguindanao chief of police chief at kanyang driver sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nitong Sabado.
Kinilala ito ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na si Abdulkarim Hasim alyas “Boy Jacket” na napatay sa Purok Yellow Bell, Barangay New Isabela, Tacurong City.
Ayon kay Azurin nakipagpalitan ng putok si Hasim sa mga awtoridad nang silbihan ito ng warrant of arrest dahil sa mga kinakaharap nitong kaso tulad ng murder at double frustrated murder.
Natukoy si Hasim na nasa likod nang pamamaslang kay Ampatuan Police Chief Lt. Reynaldo Samson at kanyang driver na si Cpl. Salipuden Endad sa Barangay Kapinpilan noong August 2022.
Sangkot din ang suspek sa serye ng harassment sa mga patrol base ng 40th Infantry Battalion, 601st Brigade sa Datu Hoffer Ampatuan.
Kasunod nito nagpapasalamat ang PNP chief sa kooperasyon ng publiko na naging daan para ma-neutralisa ang suspek.