Nasa likod ng smuggling ng karne na pinagmulan ng ASF, dapat tiyaking mapapanagot

Iginiit ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang malalimang imbestigasyon sa smuggling ng karne ng baboy galing sa China na sinasabing pinagmulan ng african swine flu o ASF dito sa pilipinas.

 

Pinapatiyak ni Pangilinan sa Departmenet of Agriculture at Bureau of Customs na siguraduhing mapapanagot ang nasa likod ng nabanggit na ilegal shipment.

 

Idineklarang tomato paste at noodles ang shipment pero natuklasang pork at positibo sa asf.


 

Ayon kay Pangilinan, walang dahilan para walang maparusahan dahil may hawak ng impormasyon ngayong ang mga otoridad.

 

Kaugnay nito ay iminungkahi din ni Pangilinan na suspendehin pansamantala ang importasyon ng karneng baboy kaakibat ang paghikayat sa mga trader at food manufacturer na sa local hog raisers muna bumili.

Facebook Comments