Nasa P10-M halaga ng hinihinalang smuggled na karne at sibuyas, nadiskubre sa warehouse sa Maynila

P10 milyong halaga ng frozen na karne at hinihinalang smuggled na gulay ang tumambad sa mga awtoridad sa sinalakay na bodega sa Maynila.

Isinagawa ang raid ng National Bureau of Investigation (BI) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa warehouse sa Paco, Manila na pinangunahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Hindi pa tukoy kung saang bansa nagmula ang mga produkto na kinabibilangan ng mga imported na karne at mga pulang sibuyas.

Sinalakay ang warehouse dahil sa kawalan ng permit at pag-iimbak ng hinihinalang smuggled na produkto.

Facebook Comments