Nasa P9.3-M halaga ng agarwood, nasabat sa isang warehouse facility

Nasabat ng Bureau of Customs BOC-NAIA katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong outbound parcels na naglalaman ng agarwood na isang regulated forest product.

Ayon sa BOC-NAIA, may kabuuang halaga na P9.3 milyon ang naturang produkto.

Idineklara umano ang mga kargamento bilang tuyong alingatong wood chips ngunit nakitaan ng kahina-hinalang imahe sa x-ray inspection.

Dahil dito, isinailalim ang mga parcel sa physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre ng nasa 3.80 kg, 4.10 kg, at 4.52 kg ng agarwood, sa halip na ang idineklarang produkto.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act), at Presidential Decree No. 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

Nasa kustodiya na ng BOC-NAIA ang mga nakumpiskang kargamento para sa wastong disposisyon, sa koordinasyon ng DENR para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments